Wednesday, January 8, 2014

On coffee, filing, and coleslaw.

Noong huling Biyernes, nagpabili sa akin si Miss Emotion* ng isang (1) chicken fillet burger at isang (1) coffee, mula sa isang popular na fast food chain. Pagdating ko sa lobby, naghintay ako ng elevator na masasakyan papuntang sixth (6th) floor.

Nang papasok na ako sa avaialble na elevator, bigla na lang nagsara yung pintuan ng elevator na yun, at medyo natapon yung laman ng kape. At syempre, tutulo yun kahit papaano.

Nang papasok ako sa pantry ng office, napansin ni Miss Newbie* na tumutulo nga yung kape. Tinanong ako ni Miss Emotion kung ano nangyari.

Hindi ko na inalam kasi kung ano ang ginawa niya sa chicken fillet burger at sa kape, baka magalit lalo yun sa akin. Hindi ko na kasalanan kung bigla na lang nagsara yung pintuan ng elevator na yun, na kung saan ako pasakay na elevator na yan.

-------

Itong si Miss Name*, akala mo kung sino kung pagalitan/pagsabihan ako.

Nagugulahan na ako sa pag-ayos, at sa pag-number sequence from oldest to newest, papagalitan/pagsasabihan ako.

Na-appreciate ko yung pagtulong niya, pero yung naguguluhan na ako, paggagalitan/pagsasabihan ako.

-------

Lunch time, na nagpapabili sa akin ng pagkain mula sa isang popular na fast food chain, the same popular na fast food chain na pingbilhan ko ng kape at chicken fillet burge.

Habang nag-i-isip nila kung ano ang ipapabili nila, nagsabi/nagsalita si Miss Emotion ng parang ganito yung sinabi niya:

"Baka naman matapon yung ipapabili ko sa iyo."

Ang ipinabili sa akin ni Miss Emotion ay macaroni salad.

Ang sabi sa akin nung clerk ay "ubos/wala na yung macaroni salad" at the time na umo-order ako.

Nung nakita yung coleslaw, tinanong ako na kung ano yung binili ko, sinabi ko na "ubos/wala na yung macaroni salad" at the time na umorder ako.

Note:
* Not their real names.

No comments:

Post a Comment